TayoTayo

Mga Kuwento

Pagkakaisa sa Loob ng Komunidad

Ang Kuwento ni Ellen Karunungan.
Sulat ni Reuben Gonzales.

“Wag mag-away-away. Kung ano ang problema, pag-usapan.”

"Kuwentong GK" Hindi Malilimutan

Isa sa mga hindi malilimutang alaala ni Ellen Karunungan ay ang taunang Christmas party ng GK Manulife. Hindi lang ito simpleng salu-salo sapagkat ito ang pagkakataong nagsasama-sama ang iba’t ibang pamilya at building para magkuwentuhan, magtawanan, at mas makilala ang isa’t isa. Para sa kanya, dito mas nararamdaman ang saya ng pagiging bahagi ng isang komunidad.

“Masaya ‘yan. Christmas party namin. Sama-sama ‘yung buong building.”

Pakikipagkapuwa sa Komunidad

Pero para kay Ellen, hindi lang sa mga espesyal na okasyon nakikita ang pakikipagkapuwa. Nakikita niya rin ito sa mga simpleng kilos ng kaniyang mga kapitbahay tulad ng pagbabantay sa bahay kapag wala siya, ang pagdidilig ng halaman, o ang paglilinis ng paligid. Maliit mang tingnan, ang mga gawaing ito ang nagpapaalala sa kanya na may mga taong handang magmalasakit sa komunidad.

Mga Natutunan

Tulad ng ibang komunidad, may mga pagkakataon ding nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Kinuwento ni Ellen na kapag maingay ang mga batang naglalaro habang may nagpapahinga o may sakit,  nagkakaroon ng mga “misunderstanding.” Pero sa halip na hayaang lumaki ang problema, mas pinipili nilang mag-usap nang maayos.

 “Sabihan nang maayos, diba? Para walang away.”

Mensahe para sa Komunidad

Para kay Ellen, nagsisimula ang maayos na komunidad sa simpleng pagpili na makinig at mag-usap. Hindi man maiiwasan ang problema, mas madaling mahanap ang solusyon kapag inuuna ang pag-unawa kaysa galit.

Mga Depinisyon

Pakikipagkapuwa – Pagpapakita ng malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtutulungan at mahinahong pakikipag-usap upang mapanatili ang pagkakaisa.

Misunderstanding – Hindi pagkakaintindihan na nangyayari kapag iba ang naging pagkaunawa sa nais iparating ng isang tao.

I-share sa kapuwa miyembro!

Mga Comment

1 thought on “Si Ellen”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

May tanong ka ba o gusto ibahagi?

Makipag-ugnayan sa amin at magkuwentuhan tayo. Tulad ng kapitbahay, lagi kaming handang tumulong at makinig.

Scroll to Top