TayoTayo

Mga Kuwento

Sama-sama Tayo Bumangon

Ang Kuwento ni Daisy Orgada.
Sulat ni Reuben Gonzales.

“Mahirap pero masaya...dahil nakikita namin yung improvement ng komunidad namin.”

“Kuwentong GK” na Hindi Malilimutan

Para kay Daisy Orgada, ang pagbuo ng kanilang komunidad ay hindi naging madali. Naalala niya ang mga araw ng paghuhukay at sama-samang pagtatrabaho para maitayo ang lugar na tinatawag nilang tahanan. Mahirap ang proseso, pero naging makabuluhan ito dahil unti-unti nilang nakita ang bunga ng kanilang pinaghirapan.

Pakikipagkapuwa sa Komunidad

Kasabay ng pagbuo ng mga bahay ay ang pagbuo rin ng matibay na samahan. Sa gitna ng pagod, pamilya at mga kapitbahay ang naging sandalan ng isa’t isa.

“Yung mga kasamahan mo, yung mga pamilya mo, nagtulong-tulong sila.”

Mga Natutunan

Kapag may magkakaibang pananaw o may kuwentong kumakalat sa komunidad, puwedeng magkaroon ng samaan ng loob. Pero sa halip na hayaang lumala ang sitwasyon, nagpapatawag si Daisy ng meeting para marinig ang bawat panig at magkaintindihan.

 “Magpapatawag muna ng meeting… para magkaintindihan yung lahat.”

Mensahe para sa Komunidad

Para kay Daisy, hindi kailangang maging perpekto ang isang komunidad para maging matatag ito. Ang mahalaga ay handang mag-usap, makinig, at piliing magkaayos. Sa ganoong paraan, mas madaling maiwasan ang intriga at mas napapanatili ang magandang samahan.

Mga Depinisyon

Pakikipagkapuwa – Pagpapakita ng malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtutulungan at mahinahong pakikipag-usap upang mapanatili ang pagkakaisa.

Misunderstanding – Hindi pagkakaintindihan na nangyayari kapag iba ang naging pagkaunawa sa nais iparating ng isang tao.

Intriga – Mga usap-usapan o tsismis na maaaring magdulot ng sama ng loob at hindi pagkakaintindihan.

I-share sa kapuwa miyembro!

Mga Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

May tanong ka ba o gusto ibahagi?

Makipag-ugnayan sa amin at magkuwentuhan tayo. Tulad ng kapitbahay, lagi kaming handang tumulong at makinig.

Scroll to Top