Hindi lahat ng komunidad ay nagsisimula na nagkakaunawaan ang isa’t isa. Madalas, nagsisimula ito sa hirap, sa pagod, at sa ingay. Para kay Daisy Orgada, mula sa GK Caloocan, sa mga ganitong sitwasyon niyang nakita na ang tunay na halaga ng komunidad ay, hindi sa perpektong samahan, kundi sa sama-samang pagbangon mula sa hirap.