Tuklasin ang Mga Kuwento at Karanasan mula sa mga GK na Komunidad
Tungkol sa Proyekto
Kahit may malasakit ang bawat isa sa loob ng GK na komunidad, nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan dahil sa hindi malinaw na usapan. Sa TayoTayo, gusto naming makatulong upang mas magkaintindihan at mas maging malalim ang samahan ng komunidad.
Tuklasin ang mga kuwento ng mga miyembro ng GK, ang kanilang mga karanasan, hamon, at mga sandali ng pagtutulungan. Maaari itong basahin at pagkuwentuhan sa pulong, gathering, o assembly ng komunidad.
Panoorin ang mga bidyo ukol sa karaniwang karanasan ng mga miyembro ng GK.Ā Kasama rito ang mga madalas na tensyon at maaaring solusyon sa bawatĀ problema ng komunidad. Baka dito mo pa makita kung paano nagsisimula angĀ tunay na pakikipagkapwa.
Ang Kapuwa Kards ay isang laro ng pakikinig at pagdamay upang mas mapalapit sa ating kapuwa-kapitbahay. Itoāy nilikha para sa mga Gawad Kalinga Housing Community upang magkaroon ng pagkakataong magtipon-tipon at mag-usap nang mula sa puso.