TayoTayo

About

Tungkol sa Proyekto

Sino Kami?

Kilalanin ang layunin at ang mga taong bumubuo sa proyektong ito.

Tungkol sa Proyekto

Bakit Kailangan Ito?

Kahit may malasakit ang bawat isa sa loob ng GK na komunidad, nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan dahil sa hindi malinaw na usapan. Sa “TayoTayo,” gusto naming makatulong upang mas magkaintindihan at mas maging malalim ang samahan ng komunidad.

Sino bumubuo sa TayoTayo?

Ang proyektong ito ay likha ng mga estudyanteng naniniwala sa lakas ng pakikipagkapuwa. Nais nila palalimin ang pagkakaintindihan sa GK communities at sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kwento at sitwasyon, hinihikayat nito ang pakikinig, pag-unawa, at maayos na pag-uusap.

Bisyon

Isang komunidad na nagkakaintindihan, nagtutulungan, at pinapahalagahan ang pakikipagkapuwa sa bawat isa sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-uusap.

Misyon

Layunin ng TayoTayo na tulungan ang mga GK na komunidad na mapalalim ang pagkakaintindihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kwento, sitwasyon, at espasyo para sa maayos na pag-uusap, pakikinig, at pag-unawa sa isa’t isa.

May tanong ka ba o gusto ibahagi?

Makipag-ugnayan sa amin at magkuwentuhan tayo. Tulad ng kapitbahay, lagi kaming handang tumulong at makinig.

Scroll to Top