Mga Kuwento
Pagkakaisa sa Loob ng Komunidad
Ang Kuwento ni Ellen Karunungan.
Sulat ni Reuben Gonzales.
Sulat ni Reuben Gonzales.
“Wag mag-away-away. Kung ano ang problema, pag-usapan.”
Para kay Ellen Karunungan, mula sa GK Manulife, ang komunidad ay hindi lang basta lugar na tinitirhan. Para sa kanya, ito ay lugar kung saan ang mga tao ay nagtutulungan, nagkakaintindihan, at nagmamalasakit sa isa’t isa. Kahit hindi man siya laging nasa komunidad, ramdam pa rin niya ang pakikipagkapwa ng kanyang mga kapitbahay.
Ayon kay Ellen, isa sa mga hindi niya makakalimutang karanasan sa komunidad ay ang mga pagdiriwang na pinaghahandaan ng lahat ng residente, lalo na ang mga Christmas Party. Dito, nagtitipon ang mga tao mula sa iba’t ibang building sa tulong ng mga opisyales. Para kay Ellen, ang mga ganitong selebrasyon ay nagbibigay saya sa mga residente. Sabi nga niya, “Masaya ‘yan. Christmas party namin. Sama-sama ‘yung buong building.” Sa mga ganitong okasyon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magkakapitbahay na magkwentuhan, magtawanan, at makilala pa ang isa’t isa. Para kay Ellen, mahalaga ang mga ganitong gawain dahil dito nabubuo ang mas matibay na samahan sa komunidad.
Bukod sa mga selebrasyon, naranasan din ni Ellen ang malasakit ng kanyang mga kapitbahay sa pang-araw-araw na buhay. Madalas siyang nasa Sta. Rosa kaya hindi siya palaging nakakauwi sa kanilang bahay sa komunidad. Ngunit kahit wala siya roon, may mga miyembro na nag-aalaga sa kanilang tirahan, kung saan naglilinis sila sa likuran at nagdidilig ng mga halaman. Para kay Ellen, malaking bagay ang mga simpleng tulong na ito.
Ang mga gawaing ito ay nagpapakita na sa kanilang komunidad, hindi lang sariling bahay ang iniintindi ng mga tao. Inaalagaan din nila ang kapakanan ng kanilang mga kapitbahay.
Tulad ng ibang komunidad, may mga pagkakataon din na nagkakaroon ng tension. Halimbawa, minsan ay maingay ang mga batang naglalaro sa itaas ng kanilang bahay. Ngunit ayon kay Ellen, hindi ito nagiging dahilan ng away. Sa halip, pinipili ng mga residente na pag-usapan ang problema nang maayos. Dahil dito, mas madaling nagkakaintindihan ang mga tao. Para kay Ellen, mahalagang maging mahinahon sa pakikipag-usap. Naniniwala siya na kapag maayos ang paraan ng pagsasabi ng problema, mas madaling makinig at umintindi ang ibang tao.
Sa huli, may simpleng mensahe si Ellen para sa kanyang mga kapitbahay. Isang paalala na mahalaga ang pagkakaisa sa komunidad. Ayon sa kanya, “Laging magkaisa. ’Wag mag-away-away. Kung ano ang problema, pag-usapan.” Para kay Ellen, kung patuloy na magtutulungan at mag-uusap nang maayos ang mga tao, mananatiling matatag ang samahan sa kanilang komunidad.

May tanong ka ba o gusto ibahagi?
Makipag-ugnayan sa amin at magkuwentuhan tayo. Tulad ng kapitbahay, lagi kaming handang tumulong at makinig.
1 thought on “Si Ellen”
Test