Tuklasin ang laro gawa para sa GK, na nanghihikayat ng pakikinig at pag-uunawan.
Ano ang Kapuwa Kards
Ito ay isang laro ng pakikinig at pagdamay upang mas mapalapit sa ating kapuwa-kapitbahay. Ito’y nilikha para sa mga Gawad Kalinga Housing Community upang magkaroon ng pagkakataong magtipon-tipon at mag-usap nang mula sa puso.
Mga Karakter
Ginagamit sa laro ang iba’t ibang miyembro ng mga komunidad ng GK, bawat isa ay may sariling pananaw at karanasan na nakakaapekto sa usapan.
Mga Tanong
Sagutin ang mga tanong na base sa totoong sitwasyon upang mas mapalalim ang pag-unawa sa isa’t isa. Isaalang-alang ang iba’t ibang pananaw.
Ang Layunin
Magkaisa ang grupo sa desisyon sa bawat sitwasyon at mabuo ang mas malalim na pagkakaintindihan bilang komunidad.
Paano Maglaro?
Magbahagi, Makinig, at Mag-uusap hanggang sa magkasundo ang lahat. Panoorin ang bidyo upang matuto pa!
Halimbawa ng Laro
Tingnan kung paano isinasagawa ang laro sa pamamagitan ng panonood ng bidyo ng aktwal na pagtitipon.
May tanong ka ba o gusto ibahagi?
Makipag-ugnayan sa amin at magkuwentuhan tayo. Tulad ng kapitbahay, lagi kaming handang tumulong at makinig.